Google
 

Wednesday, June 25, 2008

EDITORYAL – Turuan ang mga pasahero sa oras ng trahedya at peligro

Pinagkunan: http://www.philstar.com/

ISANG nakikitang dahilan kung bakit kakaunti ang mga pasaherong nakaligtas sa lumubog na M/V Princess of the Stars of the Stars kung paano ang gagawin saka­li at inabot ng trahedya ang barko. Naituro ba sa mga pasahero ang tamang pagsusuot ng life jacket? Naituro ba sa mga pasahero ang kinalalagyan ng lifeboat o liferaft? Naituro ba ay ang kawalan nila ng nalala­man kung paano ang gagawin sa oras ng peligro. At maaaring ibunton ang kawalang kaalaman na ito ng mga pasahero sa mga may-ari o opisyal nang lumu­bog na barko. Maitatanong dito kung nagka­roon ba ng demonstration ang personnel ng M/V Princess kung paano ang gaga­win sakali at nasu­sunog o unti-unti nang nilalamon ng dagat ang barko? Naituro kung saang direksiyon dapat tumalon ang mga pasahero sakali at sabihin ng kapitan na “abandon ship”?
Ang mga ganitong katanungan ay naglalaro nga­yon sa isipan ng taumbayan lalo pa’t maliit na bilang lamang ng mga pasahero ang naitatalang nakalig­tas. Sa sandaling sinusulat ang editoryal na ito, 48 pa lamang ang survivors sa may 862 pasahero nang lumubog na barko sa Sibuyan Island, Romblon noong Sabado ng tanghali. Nasalubong ng barko ang bagyong Frank.
Kapansin-pansin din na pawang mga lalaki ang nakaligtas at pinadpad sa baybayin ng Mulanay, Quezon. Karamihan sa kanila ay mga seaman kaya alam ang gagawin sa ganoong sitwasyon. Sinabi ng mga nakaligtas na maaaring nakulong sa tumaob na barko ang karamihan ng mga pasahero. Karami­han din umano sa mga pasahero ay ayaw tumalon sa tubig maski inanunsiyo ng kapitan na lisanin ang barko.
Tiyak na marami sa pasahero ng barko ang hindi nabigyan ng kaukulang instructions ng mga personnel ng barko kaya marami ang hindi nakaligtas. O mas inuna pang unahin ng mga personnel ng barko na iligtas ang kanilang sarili kaya nasira na ang mga dapat gawin. Nagkanya-kanya na silang ligtas ng sarili.
Isang malaking katanungan ngayon ay kung nag­sasagawa nga ba ng demo ang mga kompanya ng barko sa kanilang mga pasahero bilang pagha­handa sa oras ng kagipitan sa laot o naglalayag na lamang sila nang naglalayag dahil sa malaking pera na iniaakyat sa kanila ng pasahero.
Magsasagawa na ng imbestigasyon sa paglubog ng M/V Princess of the Stars at sana magkaroon ng saysay ang imbestigasyon. Hindi katulad sa mga na­karaan.

Tuesday, June 24, 2008

EDITORYAL – Di na natuto sa trahedya!


Pinagkunan: http://www.philstar.com/


TAMA lang na suspindehin ang operasyon ng mga barko ng Sulpicio Lines habang iniim­bes­tigahan ang paglubog ng M/V Princess of the Stars. Kung hindi isususpinde ang kanilang operas­yon maaaring ipagpatuloy ang kanilang pagbibi­yahe at mayroon na namang mangyaring trahedya. Ang paglubog ng Princess of the Stars ay ikaapat na sa mga trahedyang kinasangkutan ng mga barko ng Sulpicio. At hindi na natuto ang Sulpicio sa mga nangyari sa kanilang trahedya. Dapat lang na itigil o kaya’y tuluyan nang kanselahin ang kanilang prankisa sa paglalayag. Hindi na dapat pang maulit ang trahedya na ang mga kawawang pasahero ang nagbuwis ng buhay. Napakasakit ng nangyaring ito na dahil sa kawalang ingat o kapabayaan ng barko ay namatay ang maraming pasahero. Habang sinusulat ang editoryal na ito, 57 na ang naitalang nakaligtas sa paglubog ng barko. Pinaniniwalaang marami ang nakulong sa tumaob na barko.
Kung noon pang 1987 sinuspinde ang operasyon ng mga barko ng Sulpicio, tiyak na hindi na nadag­dagan pa ang mga namatay sa trahedya. Imagine, 4,000 katao ang namatay nang bumangga ang M/V Doña Paz sa M/T Vector noong December 1987 sa karagatang malapit sa Oriental Mindoro. Kumalat ang langis mula sa Vector at nagliyab ang kara­gatan. Marami sa mga kamag-anakan ng mga bik­tima ng Doña Paz ay hindi pa rin matanggap hang­gang sa kasalukuyan ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay. At lalo pang umaantak ang sugat sapag­kat marami ang hindi pa umano nakatatang­gap ng kom­pensasyon mula sa Sulpicio.
Tatlong barko pa ng Sulpicio ang lumubog at nagbuwis ang maraming buhay. Noong October 1988, lumubog ang Doña Marilyn sa Leyte at 300 katao ang namatay. Noong September 1998, lumu­bog ang M/V Princess of the Orient sa may Cavite at Batangas at 200 ang namatay. At ikaapat nga ang M/V Princess of the Stars na 700 katao ang pinanini­walaang namatay.
Umuusad na ang imbestigasyon sa paglubog ng barko ng Sulpicio at sana naman sa pagkakataong ito ay makakakamit na ng hustisya ang mga biktima. Hindi rin dapat makaligtas sa pag-uusig ang Philippine Coast Guard na nagpahintulot maglayag ang barko. Parehong gisahin ang mga ito.