Patuloy na umiinit ang mga eksena sa kampanya ng mga taga Genuine-Oppositions at Team Unity ni Ate Glo, batuhan ng mga maiinit na mga salita at umaapoy na mga balita. Habang paparating ang eleksyon sadyang may napipikon na yata sa mga samo't saring mga rebelasyon ng magkabilang kampo. Nakakaligtaang lumabas sa mga TV ads ang mga paninirang ginagawa ng mga taga TU-nakalakip dito ang mga nakaraang kontroberseya ng dating pangulong Estrada. Lahat ng ito'y isang pambato lamang ng TU sapagkat natamaan siguro sila ng "Co Plan Revolt ng mga taga-GO. Talagang ganito na tayo dito sa Pinas propesyunal na sa mga ganitong gawain. Masalimuot talaga ang halalan sa Pinas hindi pa umaabot ang araw ng eleksyon marami na ang biktima ng mga galamay ng mga pulitiko. Sabi pa ng ilang opisyal, na ito'y maliit na bilang lamang ng election related violence na nangyari kumpara sa mga nakalipas na halalan. Ang taumbayan ay sawa na sa mga promisang ginagawa ng mga kandidato, sila'y di na interesado sa mga plataporma de govierno na alam nilang ito'y walang kasiguruhang matututpad. Ang gusto na lamang nilay makahaon sa kasalukuyang buhay. Para sa kanila ang eleksyon ay isa lamang sa mga panahon na masasabi nila ang kanilang mga hinanaing sa gobyerno. Ang iba'y handang isugal ang buhay para lamang din mabuhay. Ang Team Unity at Genuine Opposition ay isa sa mga pangunahing partido na may malakas na hatak sa mga mamamayan. Gustuhin man nila na bumuto ng baguhan ay gusto pa rin ng iba yung datihan para maipatuloy umano ang nasimulan ng pangako. Kung ikaw ay mapa-TU man o pro-GO may karapatan kang iapgsigaw na loyal ako...sa kanila ngunit may mga bagay na sadyang mahirap maipaliwanag kung sino ba sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan.#
No comments:
Post a Comment