Google
 

Wednesday, September 26, 2007

Hay Naku, Puro Pulitika!

Para sa mga nanatiling hindi "praning" sa mga nagaganap na kaguluhan sa pulitika sa bansa, hindi maiiwasang maiisip kung mga halal na lingkod ng bayan ba ang nababasa at napapanood nila sa mga balita sa pahayagan at telebisyon. Sa tindi ng mga ginagawang pagtalak sa kalaban ng magkabilang panig, daig pa nila ang mga baklang parlor kung umasta.Panawagan sa mga pinuno ng pamahalaa: Pwede bang mah-isisp at kumilos naman kayo bilang mga kagalang-galang na "statesman?"Naghihintayang mga mamamayan na lumikha kayo ng mga batas at programa na mag-aangat sa kanilang kabuhayan. Hindi na sila umaasa ng magandang bukas. Ang makasalba na lang sa kasalukuyan sa pamamagitan ng inyong pamumuno ay sapat na. Ganyan na sila kadesperado nagyon.Hindi sila interesado sa mga "skeleton" na itinatago ninyo sa inyo-inyong mga aparador. Tinatanggap na nila na bhagi na iyan ng paghawak ng kapangyarihan. Ngunit ayaw ng mamamayan na iprograma ninyo ang kanilang kaisipanna bubusugin ninyo sila araw-araw ng mga tsismis at eskandalong kinasangkutan ng inyong mga kalaban sa pulitika. Pinuno kayo ng bayan, hindi "trying hard" na baklang movie reporter.Pinagkatiwalaan kayo ng mga mamamayan ng kanilang kapalaran sa pamamagitan ng kanilang boto. Hindi karapat-dapat para sa kanilana habang kayo'y nasa tungkulin ay sariling kapakananlang ang inyong intindihin. Magtrabaho kayo para sa bayan.Bastusan na ba ang inyong labana ngayon? Ganyan na ba ka kapal ang inyong mga mukha? Para kayong walang mga pinag-aralan. Ang gusto ninyo'y masunod lamang ang inyong kagustuhan. Nakapagtatakang, nakatutulog pa kayo ng mahimbing sa gabi samantalang maraming mga Pilipino ang simula sa umaga hanggang gabi ay kumakalamang sikmura, gayung ang tangi nilang kasalanan ay ang iboto kayo...Sumasagi pa ba sila sa inyong mga isip, o hindi na dahil abala kayo kung papaano wawasakin ang inyong mga kalaban? Pagod na ang madla sa kapapanood ng "animated movie" ninyo.Nakakainis ang batuhan ninyo ng mga intriga, wala kayong ginagawa kundi "dada ng dada, wala namang ginagawa". Hay naku....!#

No comments: