Higit na binigigyang pansin ng mga pulitiko at ng mga nasa posisyon ang kanilang kalagayan ngunit hindi nila batid ang mga kahirapang diranas ng karamihan sa Pilipino. Kung ang ibang bansa’y payaman ng payaman ang Pilipinas naman ay subsob sa kahirapan. Sinu-sinong dapat na sisihin…mg a dukha bang wala ngang kamuwang-muwang sa mundong kanilang gingalawan, o kayong mga nakakain sa araw-araw na walang iniisip kundi mismo sarili niyong kapakanan.Kung titingnan natin ang kalagayan ng mga nasa “squatters area”, sa mga kalsada at mga barung-barong di ba’t nakalulungkot isipin? Pinagtagpi-tagping mga karton ang higaan-ni walang kumot unan, kasalo ang mga lamok sa tuwing matutulog, at butas-butas ang mga bubungan. Samantala ang iba’y palabuy-laboy na lamang sa mga kanto at kung saan-saan nakabaluktong nakahiga kung madatnan ng gabi. Masasabing, sala sa init at lamig ang kanilang pamumuhay. Nasanay man sila sa ganitong uri ng buhay, subalit may mga panahong naghahanap rin sila ng isang mala-komportableng matutuluyan, hindi ba?Sa napakarami nila, halos hindi na sila napagtutuunan ng pansin ng mga kinaukulan,datapwat kapara nila’y mga itim na langgam na nakikipagsiksikan sa isang gilid na na basang-basa at sobrang nakakapanghikahos ang kalagayan. Hindi man natin ramdam ang sakit at paghihirap na kanilang diranas subalit batid natin ang pakiramdam ng isang taong naghihirap. Sila’y inyong palaging nakakasama sa araw-araw, naghihintay ng inyong habag na inyo silang tulungan,ngunit sa ganitong kalagayan, naghihintay pa kaya sila ng mga pag-asang muling pang babalik o di kaya’y nawawalan na sila ng ganun sapagkat yaong mga bukang-liwayway ay patuloy na nakabaon sa limot ng madilim na pangako, walang kasiguruihan.Tugon ng pamahalaan sa kasulukuyang suliranin, ay ang pagbibigay ng mga kakarampot na kakanin, dry goods, tig-ilang kilo ng bigas at kung anu-ano pa upang maipakita na sila’y gumagawa ng paraan para sa ikabubuti ng mamamayan Pilipino at maibsan ang gutom nang mga taong, simula’y pagsilang gutom na! Ngunit matanong ko lang, nabusog ba kayo ng mga kakarampot na mga abuloy na iyon? Siguro hindi naman tayo bulag, na mas marami ang mga mahihirap na lalong naghihirap at mayayaman na lalo pang yumayaman. Kahit na isang yagit ay maiintidihan ang isang simpleng utos, “Papakainin mo ang iyong kapatid,huwag mo silang pabayaan”, ikaw pa kaya na malawak ang pag-iisip? Alam mo ang ginagawa mo hindi ba? Bakit ka nagkakanganyan? Dahil ba sa iyong kasakiman sa lahat ng bagay? Ano ba talaga? Tanong ng karamihan. Ngunit sa puntong ito, masasabi mo pa bang andiyan ang tiwala ng taong bayan? Siguro, and iba’y sawa na sa mga papoging ginagawa ninyo, samantala ang iba’y lalo pa kayong iniidolo na para bagang “Hollywood star.”Marami ang inyong mga kadahilanan sa tuwing tinatanong kayo ng mga may prinsipyong mamamayan ng bansa. Marami pa kayong mga utos-utusan para lamang magawa ang gusto niyo. Ewan ko ba kung may nais pa kayo sa ating bayan, dapat hindi lang puro plano kayo kundi may aksyong ginagawa. Para sa mga pobreng mga tao, kayo ang pag-asa at liwanag na magdadala sa rurok ng tagumpay. Tulad ng isang sasakyan na kung saan dalhin ng biyahe ay doon rin siya patutungo.Nakakapaghihinayang isipin, na kayong mga halal na lingcod ng bayan ay walang magawa para sa ikakabuti ng bansa at ng sambayanan. Marunong kayo sa lahat ng bagay dapat gamiting niyo naman yan sa kabutihan. Kahit na baliktarin mo man ang mundo kung mga taong walang pakiramdam ang nakikinig walang bisa ang lahat ng paghihirap na ito. Nasa sa inyo ang desisyon…at aksiyon. Para sa mga inaapi, mahihirap, at ultimong tao kailangan natin ang maiging pag-iisip kung ano makabubuti sa atin hindi yaong palaging nakadepende tayo sa taong alam nating wala tayong mapapala. Para naman sa mga taong may mabuti pang hangarin sa bansa huwag kayong mag-alala ang diyos ay andiyan para gumanti sa inyo. Aani kayo ng tagumpay. Pulitika man o ano ang dahilan ng ating paghihirap ang mahalaga’y buo ang bigkis ng ating pamilya at sama-sama para sa mabuting hangarin.
No comments:
Post a Comment