MATINDING isyu ngayon ang kakulangan ng bigas. Kahit na sinasabi ng gobyerno na sapat ang bigas, hindi pa rin ito makapapalubag sa isi pan ng mga Pinoy. Sabihin mang may bigas, ang kamahalan ng presyo nito ang nakapagbibigay pangamba. Paano kung umabot sa P50 isang kilo ng bigas? Tiyak maraming magugutom.
Ang resulta nang pag-iisip sa mahal na bigas ay magdudulot ng sakit at lalo nang problema sapagkat mahal din naman ang gamot. Mabuti sana kung gumagalaw na ang Cheaper Medicine Bill. Nasaan na nga ang CMB? Natabunan ng imbestigasyon sa katiwalian? Baka nga.
May dalawang bersiyon ang Cheaper Medi- cine Bill — isa sa House of Representatives at ang isa ay sa Senado. Noong nakaraang taon pa ito naaprubahan at maski si President Arroyo ay nag pakita ng katuwaan dahil sa pagkakaapruba. Matagal ding nabimbin ang batas na ito dahil na rin umano sa pag-urung-sulong ng mga miyembro ng House of Representaives sa pamumuno ni dating Speaker Jose de Venecia. Isinisi kay De Venecia ang mabagal na pag-apruba sa bill.
Walang ibang kawawa sa nangyayaring ito kundi ang mga naghihikahos na hindi makabili ng gamot dahil ubod nang mahal. Halimbawa ay ang gamot sa high blood na nagkakahalaga ng P70 isang piraso at ang gamot sa diabetes na halos ganito rin ang presyo.
Kung maipatutupad na ang Cheaper Medicine Bill, ang mga gamot na dating may mataas na presyo ay mabibili sa murang halaga. Kagaya ng gamot para sakit sa baga na nagkakahalaga ng P26 isang piraso ay mabibili na lamang sa halagang P12. Halos kalahati o mas mahigit pa sa kalahati ang magiging presyo ng gamot kapag ipinatupad na ito. Hindi na gaanong mahihira- pan ang mga naghihikahos na makabili ng gamot dahil mura na.
Ang tanong ay kung kailan madadama ng mga naghihikahos ang murang gamot. Kailan nga ba? Nasaan na ang batas at wala nang balita ukol dito?
Mahal ang bigas at gamot. Saan na nga patu-ngo ang lahat ng ito? Paano nga ba mabuhay sa bansang ito? Page: 1 -->

1 comment:
Ang huling balita ko ay nakabinbin pa rin ito sa kongreso at hindi pa tuluyang naipapatupad dahil sa ilang mga kataga at probisyon dito.
Post a Comment