NGAYONG mayroon nang bagong chairman ang Commission on Elections (Comelec) inaasahang magkakaroon na ng pagbabago sa tanggapang ito। Maaalis na marahil ang duming nakakapit na lubos na nagpababa ng tingin sa mamamayan.
Nakapasa na sa makapangyarihang Commis- sion on Appointment (CA) si dating Supreme Court Justice Jose Melo bilang chairman ng Commission on Elections (Comelec). Nanumpa na si Melo kamakalawa at nagsisimula nang pandayin ang Comelec.
Noong nakaraang taon pa hinirang ni Presi- dent Arroyo si Melo para pamunuan ang Comelec pero hindi siya umupo hangga’t hindi naipapasa ng CA. Gusto ni Melo na makapasa muna sa CA bago siya maupo. Ang ginawa ni Melo ay ikinatuwa naman ng mga Senador na miyembro ng CA. Ipinakita raw ni Melo ang pagkakaroon ng delikadesa.
Si Melo ang pumalit sa nagbitiw na si Benja-min Abalos makaraang isangkot sa maanomal-yang national broadband network (NBN) project. Inakusahan si Abalos ng anak ni dating House Speaker Jose de Venecia na nanunuhol. Lumutang din ang $130 milyon na umano’y tatanggapin ni Abalos sa NBN deal. Nadungisan ang Comelec sa pagkakaugnay ni Abalos sa NBN project.
Marami nang putik ang Comelec at kung hindi nagbitiw si Abalos, maaaring marami pang isyu ang kasasangkutan ng tanggapan. Sa panahon ni Abalos lumutang ang maanomalyang election computerization na ang MegaPacific ang naka-kopo pero pinigil ng Korte Suprema dahil hindi dumaan sa bidding. Bilyong piso ang ibinayad sa Mega Pacific.
Ang kontrobersiyal na “Hello Garci” ay sa panahon din ni Abalos lumutang. Na-wiretapped ang pakikipag-usap umano ni President Arroyo kay Comelec commissioner Virgilio Garcillano. Minaniobra umano ang resulta ng election pabor kay Mrs. Arroyo. Nagsori naman sa telebisyon si Mrs. Arroyo. Subalit nagsori man, ang kumapit na putik sa Comelec ay hindi maalis.
Marami na ngang putik na nakakulapol sa Comelec at ito ang dapat na maging prayoridad ni Chairman Melo. Kaskasin ang putik na nakadikit sa Comelec! Ipatupad din naman ang computerization para maiwasan ang dagdag-bawas at iba pang pagmanipula sa resulta ng election.

No comments:
Post a Comment