Source: Pilipino Star Ngayon Wednesday, March 5, 2008
NOONG 1960 ay 20 milyon lamang ang mga Pilipino, ngayong 2008 ay 89 milyon na. At sabi ng mga dayuhang eksperto sa populasyon, aabot sa 150 milyon ang mga Pinoy kapag hindi pa gumawa nang mahusay na hakbang ang gobyerno ukol dito. At ayon pa sa mga eksperto, ang magiging resulta ng lalo pang pagdami ng mga Pilipino ay ang patuloy pang paghihikahos. Hindi na makababangon ang maraming mahihirap sapagkat sangkatutak ang kanilang mga anak.
Sa pag-aaral ng Venture Strategies for Health Development, napatunayan nilang mas marami ang anak ng mga naghihikahos na Pinoy kaysa roon sa mga mayayaman. Sabi ni Martha Madison Campbell, founder ng Venture Strategies, mas maraming anak ang mga naghihirap sa buhay sapagkat hindi nila kayang bumili ng contraceptives at wala rin silang kaalam-alam sa health education. Walang kamuwang-muwang ang mga mahihirap ukol sa family planning, hindi sila nabibigyan ng impormasyon ng gobyerno ukol sa tamang dami ng anak.
Nagulat si Campbell sa kasalukuyang populasyon ng Pinoys sapagkat hindi nila inaasahang lulundag ito sa 89 na milyon. Noong 2002 raw ay pinroject ng United Nations demographers na aabot lamang sa pagitan ng 75 at 85 milyon ngayong 2008 ang populasyon subalit sobra-sobra pa pala — 89 na milyon!
Sabi pa ni Campbell humahanga siya sa ginawa ng Thailand na napapanatili ang tamang dami ng populasyon. Halos nagkakapareho lamang daw ang dami ng Thais at Pinoys noong dekada ’60 pero ngayon malayo na ang Pilipinas sa Thailand. Ang Thailand ay mayroong 66 milyong populasyon kumpara sa Pilipinas na 89 na milyon. Mahusay na naituturo sa Thailand ang paraan ng pagpaplano ng pamilya. Kahit na raw ang mga hindi nakapag-aral na babae roon ay gumagamit ng family planning method. Naipatutupad nang maayos kaya naman napapanatili ang kanilang tamang dami.
Sa Pilipinas, walang malinaw na paninindigan ang pamahalaan ukol sa family planning. Hindi nabibigyan ng impormasyon ang mga dukhang pamilya sa tamang espasyo ng pag-aanak at ang mga panganib nang sunud-sunod na panganganak. Marami ang walang alam sa family planning.
Hindi na nga nakapagtataka kung umabot sa150 milyon ang mga Pinoy.

No comments:
Post a Comment