Google
 

Tuesday, March 25, 2008

Opinyun:ZTE Deal, No Deal na lang Ba?

Sadyang napakainit ang talakayan sa Senado ng umusbong ang kontrobersiya sa likod ng ZTE Broadband Network Deal, isang proyekto sa pagitan ng ZTE Corporation at Pilipinas. Nabuo ang Blue Ribbon Committee para imbestigahan ang mga kalokohan sa likod ng proyektong ito, ito’y sa pamumuno ng Chairman Alan Peter Cayetano. Lumabas ang mga samo’t-saring prediksiyon at kritiko mula sa mga sari-saring opisyal sa gobyerno. Halos ginagabi ang mga senador sa pakikipagtalastasan hinggil sa proyektong ito.
Nang inihain ang unag testigo sa katauhan ng anak ng dating House Speaker Jose de Venecia na si Joey “Whistle Blower” de Venecia nag-ugat ditto ang ikalawang testigo na sadyang bumihag ng puso ng marami nating mga kababayan, si Jun “Star Witness” Lozada. Si Lozada ay isa sa mga opisyal ng Philippine Forest Corporation ang siya daw nakakaalam sa mga isinagawang bayaran dito. Marami ngang mga tao ang naapakan dito kasama na ang Pangulong Arroyo na siyang pumirma sa kasunduang ito. Inamin naman ito ng pangulo, subalit ng malamang may deperensiya ay agad na kinansila ang deal. Sa palagay niyo ba totoo ang sinasabi ng president? Walang imik naman dito ang pamunuan ng ZTE Corp. kaya walang napala ang Senado sa kanila.
Totoo ngang naging telenovela ang mga kaganapan sa Senado sapagkat tuwing nagsasalita si Lozada may mga ma-dramang tagpo at meron ding komedya. Nakakatuwa diba? Bawat tagpo ay inaabangan ng bawat Pilipino.
Matapos ang mga pagdinig na isinagawa, pumunta si Lozada sa mga paaralan sa Maynila pagkatapos niyon sa mga lalawigan sa ibang bahagi ng Pilipinas. Minsan, di siya pinayagan ng isang Obispo. Ano sa palagay niyo? Ang kanyang krusada ay may temang, “Search for Truth”. Ang ibang mga kritiko ay nagsasabing, sadyang nanghihina na ang mga salita ni Lozada sapagkat puro na lamang dada, wala man lang inihain na ebedinsiya sa kanyang mga testimoniya. Sabi naman ng iba, eh, pano mo naman bigyan ng ebedensiya ang mga ganitong gawain “wire tap” naman baka kaso lang ang mapapala. Todo-suporta naman ang isinagaw ng simbahan. Ano kaya ang mapapala natin kay Lozada, mabigyan ba tayo ng katarungan o di kaya’y magmukha tayong tanga at sa bandang huli ito’y matutunaw naman na parang mga bula. Kailan pa tayo mabigyang liwanag hinggil dito, kung ang kalaban natin ay mismo ang administrasyon? No deal na lang ba ang kahahantungan nito?

No comments: