MARAMING public school sa bansa ang mahihina at nangulelat sa 2007 National Achievement Test (NAT). Ibinigay ang NAT sa elementary at high school noong nakaraang taon sa buong bansa. Lumabas na 1,898 public schools ang sobrang kulelat. Ang mga kulelat na public school ay nagmula sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sa aming paniwala, matagal na ang problemang ito sa mga public schools pero ngayon lamang nabi bigyan ng pansin. Kung noon pa ito napag-ukulan ng atensiyon baka nagkaroon na ng progreso ang mga estudyante sa public schools at hindi nangungulelat sa NAT.
Ang mahinang performance ng mga public school ay hindi na dapat ipagwalambahala ng Department of Education (DepEd). Ngayon na ang tamang panahon para bigyan nang todong atensiyon ang mga mahihinang public school. Kapag hindi pa kumilos ang DepEd, kawawa naman ang mga estudyante ng mga mahihinang school sapagkat salat sila sa kaalaman. Ano ang naghihintay sa mga mag-aaral ng mga eskuwelahang mahina ang performance?
Naniniwala naman kami na maski sa Metro Manila ay marami pa ring public school na mahina ang performance at dapat lamang na tutukan nang todo ng DepEd.
Ang problema ng mga mahihinang public school ay hindi naman nalingid sa atensiyon ni President Arroyo at binigyan ng direktiba ang DepEd na tingnan ang mga kailangan ng mga school. Ayon sa report, inatasan ni Mrs. Arroyo ang DepEd na asikasuhin ang mga pangangailangan ng mahihinang eskuwelahan.
Ang sabi ng DepEd magiging prayoridad nila ang problemang bumabalot sa mga mahihinang school. Bukod anila sa pagpapagawa ng mga bagong school building, pagdaragdag sa mga libro, pagtrain sa mga guro ay paiigtingin din ang school feeding program.
Sa aming paniwala malaki ang papel na ginagampanan ng mga gurong may kasanayan sa pagtuturo para maging matalino ang mga estudyante. Kung walang kasanayan ang guro, ano ang kanyang ituturo sa estudyante. Kawawa naman ang mga kabataan. Mahalaga rin naman ang tamang nutrisyon sa estudyante para hindi sila mangulelat.Page: 1 -->

1 comment:
All these because of Gloria's commitment to keep her military lapdogs satisfied. Instead of investing on education, she invested much of the treasury on the military.
Post a Comment